Sobrang saya ko dahil nagkaroon ng pagkakataon na makaattend ako ng food review sa Joliant Restaurant BF Homes Paranaque. Matagal ko narin nakita ang Joliant Restaurant pero hindi pa ako nakakain sa restaurant na yan.
Ang Joliant Restaurant ay 12 years na silang nagbibigay serbisyo para makakaen ang mga Pilipino ng masarap na pagkain. Kayam mas okay na masubukan niyo kasama barkada o pamilya niyo dahil lahat ng pagkaen nila ay pang-pinoy at syempre pwede rin tikman ng mga dayuhan (foreigner).
Natuwa ako noong nagsend sila ng invitation sa girlfriend ko na blogger din at naisama ako sa food review na yan para din mashare ko sainyo kung gaano kasarap ng mga pagkain sa menu nila. Sa lahat ng napuntahan ko at nakainan ko dito mas okay ang serving at mas malasa lahat ng pagkaen nila.
APPETIZERS
Nachos: 185 pesos
Chicken Skin: 120 pesos
MAIN COURSE
Patatim: 500 pesos
Kare-kare: 260 pesos
Buttered Chicken: 280 pesos
Spicy Garlic Chicken: 280 pesos
Sinigang sa Miso (Tanigue): 280 pesos
Chopseuy: 220 pesos
Pinaputok na Tilapia: 220
DESSERT
Buko Pandan: 59
Dito lang din ako nahilig sa isda dahil malasa yung specialty nila na Pinaputok na Tilipia. Panalo din sa serving ng Chopseuy nila na good for 4-5 na tao. Lahat talaga masarap, marami pa ang serving pero at yun ang kanilang Spicy Garlic Chicken dahil mahilig talaga ako sa maanghang na pagkain. Bukod diyan maganda at maluwag yung restaurant nila na kahit maraming tao kayang kaya na makakain sakanila. Malinis ang bawat restroom nila na alam natin isa din sa pinakaimportante sa isang restaurant.
Ito yung mga natikman namin na panalo at budget friendly, ang Joliant Restaurant mayroon barkada meal package para syempre mas makatipid at lahat busog dahil okay ang servings nila. So ano pang hinihintay niyo kayang kaya niyo? I-treat ang barkada at pamilya niyo dito. Pwede mag chill at maginom kasama ang barkada niyo may Live Band kada Biyernes at Sabado ng gabi. Tara at tikman natin ang mga masasarap na Pinoy putahe nila!
Like and follow their social media account.
Instagram: The Joliant Restaurant
Facebook: Joliant Restaurant
📍9001 President's Avenue BF Homes Paranaque City
Landmark: In front of Nua Thai beside Plan Master Insurance
(02) 826-8168
Working Hours:
11:00 AM to 10:00 PM
(Monday to Sunday)
Live Band every Friday, Saturday, and Sunday 7 PM
Landmark: In front of Nua Thai beside Plan Master Insurance
(02) 826-8168
Working Hours:
11:00 AM to 10:00 PM
(Monday to Sunday)
Live Band every Friday, Saturday, and Sunday 7 PM













No comments:
Post a Comment