Kuya Eco
  • Home
  • Meet the Blogger
  • Drop Down
    • Minimal
    • Sub Menu with Subs
      • Feminist
      • Persona
      • Expose
    • Powergame
    • Fashion
  • Mega menu

May gusto akong i-share sainyo, hindi naman talaga ako mahilig sa milktea pero sumubok ako na bumili ng milktea dahil yung kapatid ng kaibigan ko ay nag bukas ng business sa tapat lang ng Olivarez College Paranaque. Sinubukan ko ito dahil sa pagkakaalam ko ang milktea ay medyo pricey, umaabot daw ito ng 160 pesos, pero bumili ako sakanila dahil sa mura lang ito- 59 pesos lang.

Mali ang balita na kapag mura ay hindi masarap at tinipid.

Oo, mas mura nga sa kanila pero nagustuhan ko ang milktea nila. Namili ako sa menu nila, nakita ko ang Premium Milktea Series na ino-offer nila. Doon ko nakita yung gusto kong tikman ang Matcha. Gusto ko talaga yung matcha kasi mahilig ako sa cake na matcha. Nag pa-add din ako ng extra nata de coco kasi favorite ko yun; yung add on nila ay 10 pesos lang. 

Hindi lang syempre presyo ng milktea ang pinag uusapan natin dito, pati yung mismong store  nila na pwede kang magdala ng laptop at mag chill habang umiinom ng favorite mong milktea. Malakas ang aircondition nila, hindi ka maiinitan dahil sobrang lamig sa store nila at may music sila para talaga mafeel ng mga costumer nila na okay na magchill sa store nila. 


Sa ibang milktea shop, kaunti lang yung pagpipilian sa menu nila dito marami at tiyak ko na lahat sila ay masarap. Sa ibang milktea shop, mabagal ang pag process ng order pero dito sobrang bilis, well-trained ang mga crew nila para makapag bigay ng maayos na serbisyo sa ating mga  costumer.

Magiging mabili talaga milktea nila dahil sa mura ng presyo nila at ang target nila na costumer ay student kaya pinag gigitnaan siya ng dalawang malaking school sa Paranaque City. 

Ano pang hinihintay niyo? Bisitahin niyo na ang store nila! Sa mga mahihilig mag milktea at sa mga gustong sumubok ng milktea ito na ang shop na magpapahilig sainyo. 

Like and Follow their Social Media account.
Facebook : MilkTea Depot Ph

📍 Unit 309 Andre-Mar Bldg. #8155 Dr. A. Santos Ave. San Dinisio, Paranaque City.

Landmark: Infront of Olivarez College and beside of Vapor and Flavor 

Working Hours: 11am to 11pm
0
Share



Sobrang saya ko dahil nagkaroon ng pagkakataon na makaattend ako ng food review sa Joliant Restaurant BF Homes Paranaque. Matagal ko narin nakita ang Joliant Restaurant pero hindi pa ako nakakain sa restaurant na yan.

Ang Joliant Restaurant ay 12 years na silang nagbibigay serbisyo para makakaen ang mga Pilipino ng masarap na pagkain. Kayam mas okay na masubukan niyo kasama barkada o pamilya niyo dahil lahat ng pagkaen nila ay pang-pinoy at syempre pwede rin tikman ng mga dayuhan (foreigner).

Natuwa ako noong nagsend sila ng invitation sa girlfriend ko na blogger din at naisama ako sa food review na yan para din mashare ko sainyo kung gaano kasarap ng mga pagkain sa menu nila. Sa lahat ng napuntahan ko at nakainan ko dito mas okay ang serving at mas malasa lahat ng pagkaen nila.

APPETIZERS

Nachos: 185 pesos


Chicken Skin: 120 pesos



MAIN COURSE


Patatim: 500 pesos 

Kare-kare: 260 pesos


Buttered Chicken: 280 pesos


Spicy Garlic Chicken: 280 pesos


Sinigang sa Miso (Tanigue): 280 pesos


Chopseuy: 220 pesos


Pinaputok na Tilapia: 220


DESSERT


Buko Pandan: 59



Dito lang din ako nahilig sa isda dahil malasa yung specialty nila na Pinaputok na Tilipia. Panalo din sa serving ng Chopseuy nila na good for 4-5 na tao. Lahat talaga masarap, marami pa ang serving pero at yun ang kanilang Spicy Garlic Chicken dahil mahilig talaga ako sa maanghang na pagkain. Bukod diyan maganda at maluwag yung restaurant nila na kahit maraming tao kayang kaya na makakain sakanila. Malinis ang bawat restroom nila na alam natin isa din sa pinakaimportante sa isang restaurant.




Ito yung mga natikman namin na panalo at budget friendly, ang Joliant Restaurant mayroon barkada meal package para syempre mas makatipid at lahat busog dahil okay ang servings nila. So ano pang hinihintay niyo kayang kaya niyo? I-treat ang barkada at pamilya niyo dito. Pwede mag chill at maginom kasama ang barkada niyo may Live Band kada Biyernes at Sabado ng gabi. Tara at tikman natin ang mga masasarap na Pinoy putahe nila!

Like and follow their social media account. 
Instagram: The Joliant Restaurant
Facebook: Joliant Restaurant

📍9001 President's Avenue BF Homes Paranaque City

Landmark: In front of Nua Thai beside Plan Master Insurance
(02) 826-8168

Working Hours:
11:00 AM to 10:00 PM
(Monday to Sunday)

Live Band every Friday, Saturday, and Sunday 7 PM




0
Share
Home

ABOUT THE BLOG

ABOUT THE BLOG
Ecodistractor is a blog that mainly focus on food, travel and lifestyle. The owner, Jerico is a 24-year-old guy who came all the way to Parañaque City. This blog serves as his online diary of his adventures about life. For collaborations/sponsorship please send an email to jericopalad.business@gmail.com

LET'S GET CONNECTED

  • facebook
  • twitter
  • instagram
  • Dribbble

INSTAGRAM

@thecodistractor

FACEBOOK

Kuya Eco

Popular Posts

  • MASARAP BA O HINDI? Joliant Restaurant
    Sobrang saya ko dahil nagkaroon ng pagkakataon na makaattend ako ng food review sa Joliant Restaurant BF Homes Paranaque. Matagal k...
  • Milk Tea Depot PH Opens in Paranaque City
    May gusto akong i-share sainyo, hindi naman talaga ako mahilig sa milktea pero sumubok ako na bumili ng milktea dahil yung kapatid ng...
Powered by Blogger.

Blog Archive

  • August 2019 (1)
  • April 2019 (1)

Popular Posts

  • MASARAP BA O HINDI? Joliant Restaurant
    Sobrang saya ko dahil nagkaroon ng pagkakataon na makaattend ako ng food review sa Joliant Restaurant BF Homes Paranaque. Matagal k...
  • Milk Tea Depot PH Opens in Paranaque City
    May gusto akong i-share sainyo, hindi naman talaga ako mahilig sa milktea pero sumubok ako na bumili ng milktea dahil yung kapatid ng...

Categories

Copyright © 2019 Kuya Eco

Created By ThemeXpose